BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Monday, August 2, 2010

Ang tambays.

Ikkwento ko kung paano nagkasamasama at nabuo ang grupo nameng tambays :)

Bakasyon na, Ngunit ako,ang ibang kaklase at ksama sa skwela ay may pasok pa rin sapagkat silay nagsusummer at kame ay nagrereview.

Kada uwian, Ugali namen ang maglakwacha. Ang aking unang araw ay masaya, Sapagkat kme ng iba sa mga kaklase ko ay nagpunta kila jerald nung uwian. Kami kami un nila Gino,Rm,Espy at berld pa lang. Kame palang ang present nung araw na yun. :D

Ngunit habang nagtagal, Nagreview na dn si cj at theo. Kayat kame ay dumami na rin. Nakasundo din namen si jerico kahit siyay galing sa ibang year at seksyon. :) Nang uwian na yun, Nagpasya kameng pumunta muli kila jerald, Kasama ako, cj, theo, jerico, espy, rm at berld. Eto na nga, Nagkasundo sundo na kame at si boss jerico ang nagbansag sa aming grupo na TAMBAYS! :)

Kame ay nabuo na, At kada uwian kami'y magkakasama at kung saan pmunta ang isa, Doon din pupunta lahat. Kaya naging masaya ang tambays. Lahat ng members ng tambays ay totoo at wala ditong plastikan. Kahit na minsan kami ay naiinis sa ibang kagrupo, ito'y naaayos naman kaagad.

Libangan namen ang pagkaen, pagsskateboard, pagawa ng kalokohan at kung ano ano pa. :) Kada uwian, Kamiy nagpupunta sa kung saan saang bahay ng aming kagrupo. Madalas kame kila berld at madalas din kamaeng sumakay ng bus! :)

Nang sumapit ang kaarawan ng isa sa aming kagrupo na si cj, Itoy naghanda at nagyayang magswimming. :) Ito'y natuloy at sobrang saya nito. Hanngang gabi ay magkakasma kame at kumaen din ng marami :) Ilan lamang ito sa aming mga kuha nung araw na yun.



Isa lamang yan sa mga masasayang araw ng tambays na magkakasama, Naging mas maganda ang aming samahan ng barkada, Madalas din kaming pmunta kung saan saan at magtwanan ng napakalakas sa jeep, na parang wala kameng kasamang ibang tao :D

Papalapit na ang pagttpos ng summer classes at upcat review, Sinulit namin ang mga araw na yun at wala kameng pinalampas na araw na di kme magkakasama. Ilan lamang ang mga kuhang ito. Kila cj at samen yung lugar na yan. :)



Ngayon, Kame ay sabay sabay nagaaral at magkakasama sa lahat ng problema at mga pagsubok. Yan ang TAMBAYS! :) Panuorin nyo to :) Yan ang pagkakaibigan namen.


Friday, June 4, 2010

Mahirap mahalin ang taong madaming mahal.

Bat nga ba ito napili kong topic? Wala lang, Nakita ko kase sa fb eh, Natuwa ako. :D

Mahirap talagang mahalin ang taong maraming mahal. Isipin mo, Binibigay mo nga ang lahat sakanya, Pero hindi lang naman ikaw ang gusto nya. Madalas ang mga tao ay hindi makuntento kung ano ang meron sila, At silay patuloy parin sa paghahangad ng kung ano ano. Pero kung ako ang tatanungin? Dapat siguro makuntento ka kung ano ang ibinibigay sayong pagmamahal, Dahil kapag ito'y nawala magsisisi ka rin at itoy hahanap hanapin mo din.

Dapat hindi tayo mabuhay sa nakaraan. Kung may mahal ka ngayon, Dapat ibigay mo din sakanya kung ano ang ibinibigay nya sayo. Kailangan wag na intindihin ang nakaraan, Sapagkat mas dapat ng tuonan ng pansin ang hinharap, Dahil aanhin mu pa ang walang kwentang nakaraan kung nanjan naman ang mas maayos na hinaharap. Diba tama ako? :)

Sana lahat na lang ng bagay sa mundo mayroong kapalit. Halimbawa, Sana kapag ibinigay mo ang buong pagmamahal mo, Sana itoy maibalik din sayo. Madalas nabubulag ang tao dahil sa kadahilanang mahal parin nila ang nakaraan, Pero bat mu naman ito gagawin kung meron ka ng hinaharap, Diba? Kaya sana lahat tayoy makuntento kung ano ang meron tayo at huwag na nating hayaang mawala sila satin ng dahil lamang sa pagmamahal natin sa ibang tao.

Mabuting payo lamang po :)

--Kickapoo