BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Friday, June 4, 2010

Mahirap mahalin ang taong madaming mahal.

Bat nga ba ito napili kong topic? Wala lang, Nakita ko kase sa fb eh, Natuwa ako. :D

Mahirap talagang mahalin ang taong maraming mahal. Isipin mo, Binibigay mo nga ang lahat sakanya, Pero hindi lang naman ikaw ang gusto nya. Madalas ang mga tao ay hindi makuntento kung ano ang meron sila, At silay patuloy parin sa paghahangad ng kung ano ano. Pero kung ako ang tatanungin? Dapat siguro makuntento ka kung ano ang ibinibigay sayong pagmamahal, Dahil kapag ito'y nawala magsisisi ka rin at itoy hahanap hanapin mo din.

Dapat hindi tayo mabuhay sa nakaraan. Kung may mahal ka ngayon, Dapat ibigay mo din sakanya kung ano ang ibinibigay nya sayo. Kailangan wag na intindihin ang nakaraan, Sapagkat mas dapat ng tuonan ng pansin ang hinharap, Dahil aanhin mu pa ang walang kwentang nakaraan kung nanjan naman ang mas maayos na hinaharap. Diba tama ako? :)

Sana lahat na lang ng bagay sa mundo mayroong kapalit. Halimbawa, Sana kapag ibinigay mo ang buong pagmamahal mo, Sana itoy maibalik din sayo. Madalas nabubulag ang tao dahil sa kadahilanang mahal parin nila ang nakaraan, Pero bat mu naman ito gagawin kung meron ka ng hinaharap, Diba? Kaya sana lahat tayoy makuntento kung ano ang meron tayo at huwag na nating hayaang mawala sila satin ng dahil lamang sa pagmamahal natin sa ibang tao.

Mabuting payo lamang po :)

--Kickapoo